Quantcast
2012 Press Release Tagalog

English | Español | Tagalog | русский | 中文

Ang Goldman Environmental Prize ay nagbigay ng gantimpalang US$150,000
sa Anim na Bayani ng Kalikasan

Ang mga nagwagi ay nagmula sa Arhentina, Tsina, Kenya,
Pilipinas, Rusya at Estados Unidos

Kinikilala ng Prize ang kanilang mga nagawa para sa pagaalaga ng kagubatan, pagpapanatili ng disyertong lawa, paglaban sa pagmimina ng nikel, mga alituntunin sa pestisidyo, at paglaban sa pagpapalaganap ng langis sa dagat sa bahagi ng artiko

 

SAN FRANCISCO, ika-16 ng Abril taon 2012 — Inihayag ngayon ng Goldman Environmental Foundation ang pangalan ng anim na tao na nagwagi sa 2012 Goldman Environmental Prize, ito ay isang grupo na walang takot na lumalaban para pangalagaan ang kalikasan at ng mga komunidad nito.

Ngayon, sa kanyang ika-23 na taon, ang Goldman Environmental Prize ay ibinbigay taon-taon sa mga bayani ng kalikasan na nagmula sa mabababang antas na galing sa anim na kontinenteng rehiyon. Ito din ang pinakamalaking gantimpala na iginagawad para sa aktibismo sa mababang lugar kung saan ang bawat tao ay tatanggap ng perang nagkakahalaga na US$150,000. Ang mga nanalo ay bibigyan ng Prize sa isang pribadong seremonyang sa Lunes, ika-16 ng Abril taon 2012, sa ika-lima ng hapon sa San Francisco Opera House. Meron din mas maliit na seremonya na gaganapin sa Smithsonian’s National Museum of Natural History sa Washington, D.C. sa ika-18 ng Abril, sa Mierkules.

Ang mga nanalo ngayon taon ay sina:

IKAL ANGELEI, Kenya
Itinataya ang kanyang buhay, nilalabanan ni Ikal Angelei ang paggawa ng malaking Gibe 3 Dam na haharangin ang pag daloy ng tubig sa mga komunidad ng mga katutubo na sakop ng Lake Turkana.

MA JUN, Tsina
Si Ma Jun ay tumutulong sa mga korporasyon para malinis nila ang kanilang systema sa pamamagitan ng mga datos na makikita sa online at mapa na digital na nagpapakita sa mga Tsino kung anong pagawaan ang lumalabag ng mga batas pangkalikasan at mga regulasyon ng kanilang bansa.

EVGENIA CHIRIKOVA, Rusya
Sa paghamon sa malawak na korupsyon sa politica, si Evgenia Chirikova ay hinihikayat ang mga kapwa Ruso para hingin na ibahin ang daan ng isang kalsada na maghihiwalay sa Khimki Forest, na tinuturing "berdeng baga" ng Moscow.

EDWIN GARIGUEZ, Philippines
Isang paring Katoliko, si Fr. Edwin Gariguez ay nangunguna sa mababang kilusan para labanan ang malawakang pagmimina ng nickel para protektahan ang pagiging tirahan ng ibat ibang klase ng buhay sa Mindoro Island at ang mga katutubo dito.

CAROLINE CANNON, Estados Unidos
Si Caroline Cannon ay ipinapahayag ang boses at pananaw ng kanyang kommunidad, ang Inupiat, sa Point Hope para panatilihing ligtas ang dagat sa bahagi ng Artiko mula sa offshore na paghuhukay ng langis at gasolina.

SOFIA GATICA, Arhentina
Bilang isang nanay, na namatayan ng sanggol dahil sa lasong pestisidyo, si Sofia Gatica ay nanghihikayat ang mga kababaihan sa kanilang lugar para manawagan na ihinto ang walang pinipiling pag spray ng masamang agrochemicals sa malapit sa patlang ng balatong.

Tungkol sa Goldman Environmental Prize

Ang Goldman Environmental Prize ay itinatag nung taong 1989 ng yumaong pinuno sa sibiko sa San Francisco at philantrophists na sila Richard and Rhoda Goldman. Ang mga nanalo ay pinili ng isang pandaigdigang lupong, lingid sa kanilang kaalaman na sila ay hinirang ng isang worldwide network ng mga organisasyon pangkalikasan at mga indibidwal.

# # #

 

Print

Photos

Video

About the Prize

User is: